<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/3589580398796699152?origin\x3dhttp://vast-ingenuity.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
ang bilog, umiikot, yun at yon din. dba?
Monday, September 1, 2008

paulit ulit na yung nangyayare..
hindi lang saken kundi sayo rin, hindi lang saken sa kanya lalo,
lalo na ngayon..
ramdam ko yung pagod, yung sakit..
hindi lang naman ikaw yung dumaan jan..
galing din ako sa tinatahak mong daan ngayon..
nakakainis isipin na nung nasa ganyang sitwasyon ako, inuna ko yung mga bagay na akala kong mas importante saken,

yung pag-aaral, yung mga club, yung mga major exams, yung tropa ko, yung love life ko, yung lagay ko sa standings ng honor students..

hindi man lang ako nagbuhos ng kahit konting panahon para makapunta sa PGH..
gustong gusto niya kase akong makita, gustong gusto yakapin..

kahit saglit.. kahit sa huling sandali lang..

pakiramdam ko nga wala akong karapatang umiyak nung nakita ko siya sa loob nung higaan niya,
malamig, nakapikit, hindi ko na mayayakap, hindi ko na masasabi ko kung gano ko siya kamahal..
kung gaano ako nagsisisi na hindi ako naglaan ng kahit konting panahon para sa kanya..
alam ko pinatawad na niya ko, mahal ako nun eh, at alam din niya na mahal na mahal ko siya..
halos dalawang taon na yung nakalipas.. may bahid pa din ng sakit kung iispin ko.. pero hindi ko na kailangan malungkot
hindi ko na daw kailangang malungkot.. kase, nasa mabuting lagay daw siya..
alam niyo? mahal ko yon, mahal na mahal..

ikaw, mahirap yung pinagdadaanan mo ngayon, alam ko.. pero maswerte ka kase nasa tabi mo siya nung mga huling sandali niya sa mundo..
huwag kang manghinayang sa pagod na naranasan mo, ginawa mo yon dahil mahal mo siya, kailangan mo siya..
kahit na natapos yun ng ganun ganun na lang at least hindi mo ko kagaya, hindi ka nag-atubili na ilaan yung panahon mo sa kanya,
kahit na nag-aaral ka tapos nagtatrabaho ka pa..

gustong gusto kong sabihin sa'yo na andito lang ako..
pupunta kung sakaling gustuhin mo..
pupunta kung kailangan mo..

ilang beses na ring natugtog yung kanta dito sa kwarto ko..
yung kanta na makakapagsabe ng gusto kong sabihin sa'yo..
pagod ka na dba?

..pero hindi eh, duwag ako, takot ako..
takot sa kung anong pwede mong sabihin.. takot malaman kung ano nga ba ang lagay ko sa'yo..

kaya eto.. hanggang dito na lang ako, kakausapin yung computer ko..
pakikinggan yung kanta ng paulit-ulit..
paulit-ulit, hanggang sa masanay ako sa sakit na hatid nito..
paulit-ulit, hanggang sa dumikit na sa utak ko yung lyrics, yung tono..
paulit-ulit, para hanggang pagtulog ko..dala ko na din to..

sigurado naman ako hindi mo to mabababasa, kaya malakas yung loob ko i-type to dito..
:)

paulit-ulit yung kanta..

kaya mo yan, si spiderman ka di ba? :)

paulit..ulit..

"..hayaan na muna natin sila, mamaya hindi ka na nila kaya pang saktan"


*walang kakwenta.kwentang post*

Labels:



|











Photobucket
Rinejhie Ruth De Leon
just call me jhie

I started blogging a long time ago, but didn't have much interest in updating the page. this time I'm going to be more serious about it (really)..

..hindi to "full pledged" English blog, for I am a Filipina, I will put posts that are Tagalog, English or a combination of both. Ayokong makulong sa language na hindi naman talaga akin besides, some posts are best expressed in Tagalog. Feel free to read my blog, I may post something humorous, offensive,dramatic,egoistic..
whatever, just..BARE with me okay?

That's all teeenkyaaaw. :)


Who am I anyway?

i like it when it rains, it makes me feel cozy and relaxed and gloomy all at the same time.
i eat Peanut Butter when I'm depressed. I am a mama and papa's girl. Yeah, both of 'em.
I am a singer. I like cooking very much. :) An extrovert. A Perceiving person. I think first before i act.
..and I chose to be this way..cause I'm comfortable with it. :D



Balitaktakan!!



ka-link

my bestfriend
Niko Batallones
Lyra
RaniceDOT

Kapupulutan ng Aral

Green Pinoy!
Mariano Juancho
Inday ng buhay ko
Archives
♠August 2008
♠September 2008


Balik Tanaw

oo. nabroken hearted din ako. :)

blogskins

rainy mornings

Sosyal na Jeep


TENKYAW
Background = Dar
Basecodes = Zealotz
Header = saken :)

That's all!